Description:
Feeling Pretty or Pretty Low?
Kapag nakaharap ka sa salamin, naiisip mo bang, “Kasi, hindi ako ganun kaganda”?
Pressured ka ba na ma-meet ang standards ng society pagdating sa beauty? Nakakaloka kapag sinasabihan ka na dapat maging maputi, sexy, long-haired, fashionista, at kung ano-ano ka pa—para lang ma-consider na maganda.
Bes, hindi ka nag-iisa. Kung puwede lang mag-organize ng club para sa tulad natin, ginawa ko na. Pero nagsulat na lang ako ng libro. Sa book na ’to, nilabas ko ang mga hugot at mga natutunan ko tungkol sa self-esteem at beauty. Marami rin akong tanong; buti na lang, may nahanap akong mga sagot. Or more accurately, nakilala ko na ang Sagot.
This book faces the issue of many women’s low self-esteem that is often expressed in an obsession with beautifying themselves. Through several case studies, Rigel Fortaleza connects the desire to be beautiful to deeper personal needs and presents in detail how the love and saving grace of God is the solution.