Mga Kuwento ni Lola Basyang, Vol.3
Written by: Severino Reyes
Illustrated by: Felix Mago Miguel
This third book completes the series that brings together selected stories in Filipino by the celebrated author, Severino Reyes.
Ang ikatlong aklat na ito ng Mga Kuwento ni Lola Basyang ang kabuuan sa serye ng Tahanan Books. Higit na mapanghamon ang mga piniling kwento na magpapasilip sa mga mambabasa ang mga kontrobersyal na usaping binubuksan ni Reyes sa kaniyang panahon. Nagbubukas ang mga kuwento ng tuwirang pagpuna sa mga usapin tulad ng mababang pagturing sa kababaihan sa lipunan noon.
Mas masalimuot ang paghahain dito sa mga kuwento na ang mga tema ay pag-ibig, pagtitiwala, karuwagan, at pamumuno sa bayan. Maraming talaban na nagaganap sa mga anti-tesis sa mga tauhan. Matatapang sila, mapanghamon, at komplikado kaya’t nangangailangan ng mas malawak na sipat ng mga mambabasa. Narito na sa mga kuwento ni Reyes ang pagsasalikop ng pantasya sa kaniyang kuwento at “realidad” sa kanyang drama.
Size: 6 x 9 in
ISBN: 978-621-422-011-3
Year Published: 2018